Friday, January 28, 2005


ako si mariposa... Posted by Hello

Wednesday, January 26, 2005

BAKIT NAIMBENTO ANG BLOG:

Ang pagkakaalam ko kaya inimbento ang blog eh para maiba naman ang konsepto ng paggawa ng diary ng tao o pagsulat at pag-express ng mga nasasaloob niya. Kaya nga siya ginawang accessible sa public para mabasa ng kahit sino. Napakasimple. Pero ewan ko kung bakit mula ng sinimulan kong gawin ang blog ko eh di ko inaasahan na may mga taong gustong ipatanggal ang blog ko sa kung sang mga lupalop ng "wawawa" makikita ang link para makapunta sa MARIPOSA'S HAVEN. Aba, eh di kung ayaw nila mabasa sinusulat ko eh di wag nila buksan! Ganon kasimple.. Wala na naman siguro scientific explanation para maliwanagan sila sa kahulugan ng "KUNG AYAW MO, 'WAG MO"! Kung ano man ang laman ng blog ko, galing sa isip at puso ko yun. Kung masaktan ka dahil feeling mo ikaw ang topic sa araw na yun, eh malamang ikaw nga yun. Pero as far as i know, wala pa kong nilagay dun na nakasakit sa ibang tao. Kaya sana they mind their own business. Hindi yung, imomonitor nila ang buhay ko tapos masasaktan sila dahil feeling nila naaapektuhan sila sa blog ko? Wow, if only i knew my blog would move people, then I should've taken full time doing this. Making it the most readable blog in the whole world. Pero yun nga eh, blog-blogan na nga lang may "naaapektuhan pa daw...
"CONCLUSION: Kung pakiramdam mo ikaw ang tinutukoy ko, baka nga ikaw yun...

Wednesday, January 19, 2005

USAPANG BATO

batong bato na ko sa opisina...TAPOS.

IMPYERNONG MALAMIG

naalala ko may nagpost sa friendster about dun sa student ng univ of
washington. chemistry exam daw at ang tanong eh kung ang hell eh
exotermic (gives of heat) o endormic (absorbs heat).at ang sagot ng estudyante
eh exotermic at pinipilit nya explain na malamig na hell and it doesnt
exist anymore dahil nga alam naten ang impyerno mainit natural. kaya
kung ganon lahat ng tao, sa heaven pupunta.naimpress naman ang professor
kaya A pa nakuha nito..hehehe..teka parang tunog balitang tabloid na
to. does hell exist materially. di ba parang langit din yun, di mo naman
alam kung san talaga naka-situate eksakto at since wla pa naman
nkakarating dun how do they know na malamig na nga ang impyerno..science often
freaks us out and leaves us always wondering... masyado nagmamarunong
mga tao ngayon kaya pati salita ng Diyos nababaligtad na.tsk tsk. basta
ko di ko pinoproblema kung malamig na impyerno tutal sa heaven naman
ako mapupunta..=) at sa mga taong mapupunta sa impyerno, mamatay kayo sa
lamig, kung ganon!!!

Friday, January 07, 2005

BOOKS LIE!!!

kapag may nababasa ba kayong libro, yung tipong mala- chicken soup for the soul o kaya iba pang klase ng inspirational books na-iinspire ba talaga kayo o tipong nauuto din kayo ng mga pinagsasabe ng author at pakiramdam niyo eh talagang mababago isang aspeto ng buhay niyo pag inapply niyo yung ilan sa mga sinasabe nila...hmmm..i bet ganon nga minsan..kasi minsan na din ako nauto ng libro...College ako nun eh.third yr yata.kaka "cool off" lang namin ng "BF" ko..at syempre apektado..natural naman siguro yun.Sakto habang senti sa bahay may nakita akong libro (nweiz, do u know that when citing a book title, you should not use the word "entitled" as in the book is "entitled") just an info.. ok it was titled "men are from mars, women are from venus." it discusses the guys' and gals' differences and explains in such a convincing manner that each of us should accept those differences for a good "relationship" to last. ok in other words, binasa ko nga..dahil about relationships daw.dun ko nabasa na sa isang relationship, dadating tlga yung time na he seems to be getting cold and acting like he wanted some "space" between the two of you. for sure yung iba din sukang suka na sa term na "space" pagdating sa relasyon.para kasing ang connotation na nun eh break up na.pero hinde..since nauto nga ako ng librong yun..naniwala ako na yung space na yun na tinutukoy sa book at narinig ko din sa bf ko eh natural lang..ayon nga dun sa lintek na book na yun, men are sometimes like "rubber band".. time comes that they try to pull themselves away but after a while they would stretch back to normal. goma daw sila. pag stretch m mo at binatawan, babalik at babalik sa dati. but the more you stretch it while gripping it, lalong may tendency na mapatid ang goma. at ang lalake daw pag ayaw ka kausapin,wag daw pilitin kse baka yun yung time na he just wanted to stay in his "cave"...in short, gustong mapag-isa. (uso yata sa kanila meditation) and so on and so forth...dame pa ideas dun na pinaniwalaan ko.so while cool off ng bf, i tried to convince myself na he was just passing through that kind of stage..so i should not force him to come back..i tried to put our situation in place with the ideas of the book. i have to say, it helped me to feel better and to see things in a better perspective.But as i said earlier, nauto lang pala ako ng book na yun..It got good points, but then it didn't justify the fact that my boyfriend didnt come back anymore.. Everything in the book was so perfectly explained and every example perfectly elaborated so it couldn't be hard for you to correlate the situations to your own experiences...But then, life's like that. Our life doesn't depend on what we read or what a book says. You just have to be always prepared that even if the book helped you, in a way, to feel good for a period of time, it could also give you false hopes in the end when you expected too much from it.

untitled

hirap panindigan tong blog na to.haha..ayaw gumana ng right hemisphere
ng utak ko..=) tama ba?masaya lang kase kahit ano naman paglalagay ko
dito..pwedeng ako lang ang makabasa pwedeng meron ding iba.it doesn't
matter. it just feels fulfilling that im able to fill out a page a day
with my thoughts, especially pag nasa office at wala ng magawa..haharap
sa pc at magttype. alam niyo ba, na sa mga sandaling ito eh antok na
antok ako??? naghihintay na pumatak ang alas-kwatro para makalarga na
pauwi.ok 10 minutes na lang..malapit ko na ring wakasan ang walang saysay
na entry na 'to. sa mga makakabasa ng part na to. kung may alam kayong
email na may pics ng tragedy na nangyri lng last dec sa malaysia at
ibang parts ng asia, pls send it to me...email add:
strange_drew16@yahoo.com.tnx

Wednesday, January 05, 2005

ALMOST...

I never hugged you yetBut I know how fast your heart beats everytime I come close to you..I havent kissed you yetThough I could feel how soft they are and how it makes me weak everytime it touches mine..Your embrace and kisses- in reality I havent feltBut when I close my eyes--yes, almost.I'm on the other end of the earthAnd you're in the world I've been too.We're thousand miles apart but I know you're just beside meWhen I think you--yes, almostI hear you laugh and see you smileEverytime we joke around I act like a fragile child everytime I feel you rub my back.Your laugh, your smile, the feel of your cuddles-- I long to feel for realBut everytime I imagine you--yes, I almost.Everyday, I almost cryEveryday, I almost dieFrom missing you and the things we doI always think of your kiss, your embrace, the way you laugh and smile, the stories you shareBut reality hurts-- I haven't really met you at all...In my dreams-- yes, I almost.

Tuesday, January 04, 2005

this is crazy

this is crazy pero new years resolution ko: mag-iipon ako $ 1 a day
para in two years or less. makauwi ako ng Pilipinas ng walang
hassle sa gagastusin ko. hahaha..posible di ba?

MANUNULAT NG TAON..HAHA

Bachelor in Journalism.Yan ang course na natapos ko nung college.Parang ang lupet ng dating. It always happens,pag may nagtanong saken "anong course mo?" lalo na sa chat (nung times na pumapasok pa ko sa mga public rooms) o kaya kahit sinong kakilala, pag sinabe ko na "Journalism po," they always go, "wow!!!galing naman..!!!" i dunno..i never failed to get such remark. di naman siguro sila sa aken mangha, kundi sa tunog ng course..pero ang kulet, lage sinasabe magtrabaho ka dapat sa dyaryo o tv..hmmm.di lang nila alam.kung anu-ano pinaggagawa namen nung college..as if serious mag-aral at talagang natuto magsulat. di lang nila alam..hahaha. wala naman ako regrets sa kinuha kong course.ever since elemantary associated na ako sa mga journalism journalism na yan. parang sikat ka.(kahit hinde) pero naging interes ko na talaga magsusulat ng kung "anek anek." sa likod ng notebook, sa notepad, sa sticky, sa kamay, sa resibo, sa logbook, sa diary.. Naalala ko nun nagkaron ako ng de-padlock na diary.my melody pa yata yun.ang pinakauna kong sinulat dun natatandaan ko pa.1st year yata ako nun, tungkol sa crush ko na ka-choir ko sa church ang sinulat ko.pano nakatabi ko sa upuan nung isang pagsamba namen sa kapilya..siguro hanggang ngayon nga di niya nalaman na crush ko siya eh. unless mabasa niya tong post na to at mag-assume ang taong yun na siya ang tinutukoy ko.hehe..hmmmm..ok enough of the crush thingy..naiba tuloy topic.> nasan na nga ba ang batch namen na nag-graduate ng malupet na course na Journalism? gustuhin mo man o hinde, masaket tanggapin na di lahat nagtrabaho sa field na tinapos namen.(kasama nako dun) kung gugustuhin pwede naman. editorial assistant na sana ako sa isa sa pinakamalaking publication sa pilipinas.ayos no?pero hinde pa din ayos.dahil para kong papatayin ang sarili ko na magtrabaho ng mahirap sa loob ng 10 hours (take note) at susweldo ng below minimum..abuso.kaya sino naman maaakit magtuloy sa ganong field kung ganon sila magpasweldo.galit na ko nito..=) > ok ang bottom line, kung dati ang kaharap ko lage sa school eh ang paggawa ng kung anu anong klase ng sulatin, eh ngayon nagttrabaho ako na araw araw alam niyo kung anong kaharap ko?---NUMERO.di sa bangko pero basta numero. alala ko nun isa sa dahilan bakit ako nag-journalism dahil walang math.yun pala wala din ako kawala, dahil eto ako ngayon.nakikipagsapalaran (lalim ba) sa america, para magtrabaho kaharap ang mga numero?? kaso ko pa lang yan. ano pa sa buong klase namen nung college. banas talaga. kung malaki lang pasweldo sa pagsusulat, pinasok ko na yan.pero eto, nakikita niyo ang blog na 'to? ayan dito niyo na lang din ilabas ang frustrations niyo..kung di man natupad ang pangarap niyo na maging manunulat (kung isa kayo sa kanila)...o sa amin??? =)

Monday, January 03, 2005

STRANGEBREW

> kakamiss strangebrew..kahit napalabas na sa studio 23 parang for me, it remained underground.now its defunct which i think is better..lalo na na si tado eh panay panay na sa pag aartista talaga sa ibang channel. kita mo naman si tado sa sobrang kasikatan..este sa sobrang pagkatalamak ng pagmumukha sa tv eh ayan mainstream na siya masyado.parang nawalan na ng kinang yung karakter niya na orig na "tado" ng strangebrew..sana napreserve pa din yun pero parang katulad na lang din niya yung mga komedyante ng abs-cbn..hehe..sayang.sana napasikat muna nila ng husto strangebrew sa malaking audience.bago siya pumasok sa full stardom at pagka-stereotype ng showbiznez ng pinas..(critic mode)hahahaha!!! pero nakakamiss talaga ang show na may tama.ewan nung college, konti lang kame nakaka-appreciate nun..siguro yung mga kauri kong autistic.yung nasisiyahan na sa mga simpleng bagay sa mundo..basta nagbibigay ng konting kaalaman..hehe.eto na naman.sino sa inyo nakakita na kung pano gumawa ng inidoro, crayoloa, gitara,balisong,paso, ice cream, buko pie at kung anu-ano pa??kung pano ang tamang pagkain ng pansit habhab, pano ginagawa yung movie epeks na pag binaril ka , dudugo yung parte ng katawan mo.hehe..dame adventures nun nina tado na nakakalibang.kahit parang wala nmang saysay.yung pagpunta nila sa baguio kung saan nila nabili si ???...nakalimutan ko tuloy pangalan ng halaman nila.nung kumain sila sa chinatown at nag interview ng mga chekwa."ano sa palagay mo ang maitutulong ng paggawa ng crayola (etc etc etc) sa ekonomiya ng ating bansa?" yan favorite question ni tado..."tama!" favorite namang sagot ni erning na chabakano. pati sina manong at manang sa kalye, seryoso sa pagsagot ah..hmmm..naalala ko nung tinanong ni tado yung manong na nagkakatam at gumagawa ng gitara..may sense siya kausap.dahil sabe niya,makakaiwas sa droga ang mga kabataan..lupet no?hehehe..di ako matatapos sa pagkkwento tungkol dun dahil sobrang yung lang ang underground na show na malupet.in short, tado and erning's memory will remain in the hearts of their followers.=) check out www.frankenshoes.com para sa forum about the show..or visit www.thefirstshow@yahoogroups.com para sa iba pang links about strangebrew.

BLANK TAPE

blank tape.empty.silent.black hole. mariposa's life (or should we say her love life)parang blank tape.pwede mo naman isaksak sa player yun eh..press play aandar pa din.ulitin mo pa ng ulitin..walang saysay.tahimik.pero once na magrecord ka..lahat ng magpapasaya sa pandinig mo.ayun may saysay na.ulitin mo ng ulitin..why blank tape? palpak siya sa ano...ano??love ba kamo??tama..hmmmm...may mga nakilala--nainlove. may nakakwentuhan--nainlove..may nakajammin kumanta--nainlove...may nag "ping"--nainlove...buhay..pero sa mga yun, alin dun ang may saysay...yung may totoong kwento.yung may magandang finale.yung kahit ulit ulitin mo..may saysay.masarap pakinggan, parang ayaw mo ng tapusin.wala.blank tape.paulet ulet na umiikot pero wala kang marinig.napapagod sa kakaikot pero sa huli walang saysay.sira lang ang ulo ng makinig ng paulet ulet sa blank tape.may sira kaya si mariposa? siguro...mahilig magpatugtog ng blank tape si mariposa..naging buhay na niya ang blank tape...--wakas--

Sunday, January 02, 2005

SUGARFREEAK...

i dunno..no band's music has ever influenced and touched me so much like how Sugarfree has done..naks.in short.lupet nila! sa mga nakakilala sa kanila at sa nakakaalam ng music nila.makakarelate siguro kayo. i remember i became close to a guy dahil sa nagkaalaman kame na fave namen pareho tong bandang to.well at first, it just started from a song.pero ayun, tuloy tuloy na and we shared the same interest sa lahat ng songs nila..and we often could relate our situation sa mga kanta nila.weird nga eh.parang kada kanta meron ding phase sa relationship or este friendship namen na parang similar sa songs nila..mariposa, burnoout, mundong malungkot, hintay..then hari ng sablay, kwentuhan..etc...nagsimula sa kanta, til now di alam kung paano tatapusin...sigh...sana nga merong song dun na title "paalam"..ayus! senti ..hehe..o kaya eto.."tapusin na ang kantang ito"..geesh..sino kya bandang magta-title ng kanta nila ng ganon..ok in short ulet, minsan corny sabihin pero nirerelate naten madalas yung nangyyri saten sa music..kahit corny. kaya hanggang naririnig at naalala ko pa sugarfree, may isang bagay din ako di makalimutan..(secret na yun) pero may taong makakaintindi sa mga sinasabe ko.(secret ulet) hehe..ok ok.basta bestfriend ko yun, close friend, kuya, tatay..all around..siya nakakaalam ng sinasabe ko..haha.as if hhuntingin pa ang taong to para lang magkaron ng saysay mga sinabe ko.balik sa topic. sugarfree moved me.haha.parang obsessed eh no.i know sa mga sugarfreeak, minsan ganito din nafeffeel niyo.parang mahal niyo na si ebe, jal at mitch dahil binubuhay nila kasentihan ng buhay mo. at parang gusto niyo silang sambahin (lol) dahil kala niyo nung mawala ang e-heads, wala ng bubuhay ng klase ng tugtugan na katipo nila..ok wala yatang sense part na to. ok di ko alam kung pano tatapusin kaya...bigla na lang.....mawawala..

DOUBLE DECK--100 THINGS ABOUT YOU...

1. matigas na mga unan.
2.malambot na kumot.
3.yung mga hanger
4. tambayan ni ligaya (ang mahiwagang pusa)
5. tambayan namen
6.tambayan ng gitara
7. radyo na naka-stasyon sa NU107
8.ang sofa sa loob ng kwarto
9. PS 2
10.bintana at kurtina
11.bintana ng kapitbahay
12.nutella at tasty bread
13.shake
14.reader's digest
15.mga tula sa notebook
16.photo album
17.dvds at ps2
18. malaking salamin
19.poster ng anime
20. bentilador
21.cassette tape
22.digicam
23.lyrics ng kanta
24.palabok
25.PUP
26.SUGARFREE
27.payong
28.astroboy
29.weezer at cake
30.white tshirt
31.blue polo shirt
32.blue jeans
33.TUTUBAN
34.TONDO
35.pirated cds
36.videoke
37.cassette recorder
38. call center
39. team leader
40.maskom
42. mga pacute at pasosyal
43.ELY BUENDIA
44.transcript of records
45.oishi crispy patatas =)
46. mariposa, hintay, mundong malungkot, burnout, kwentuhan...sa wakas, dramachine
47.FLYING KABOOTS, STRATUS PEER, DA THE, FLYING FIESTA AT...SPEEDOFLIGHT ETC. ETC...=)
48. sinehan
49.parang panaginip,double click double deck, tomorrow, mel, etc etc...
50. text messages
51. e-heads
52.AUGUST 11, 2004
53.JUNE 25, 2004
54.2005-200?
55.jeep at pedicab
56.ulan
57.58.bus
59. ulan
61. carinderia
62. sneakers
63. pare ko
64. bracelet
65. sulat
66. summer shebang
67. pancit ni nanay
68.YM
69. gf mo
70. cruisin'
71. ex gf mo
72. office mate mo
73. demo tape
74. si cid
75. Nu107
76. Jesus Ventura
77. mico sotto
78. prendster
79. ms outlook
80. hotels and inn ( haha..wag mag isip ng masama)
81. jessica
82. jackie?
83. itutuloy...
84. dramachine
85. 09205731699
86. ron marasigan
87. urbanda
88. poorband flow
89. double deck double click
90. mundong malungkot
91. unang araw
92. fruitcake
93. rhea
94. transcript of records
95. children's welfare
96. bangkusay
97. samba
98. videoke
99. palpak na recorder
100. palpak na relasyon, hehe