Ang pagkakaalam ko kaya inimbento ang blog eh para maiba naman ang konsepto ng paggawa ng diary ng tao o pagsulat at pag-express ng mga nasasaloob niya. Kaya nga siya ginawang accessible sa public para mabasa ng kahit sino. Napakasimple. Pero ewan ko kung bakit mula ng sinimulan kong gawin ang blog ko eh di ko inaasahan na may mga taong gustong ipatanggal ang blog ko sa kung sang mga lupalop ng "wawawa" makikita ang link para makapunta sa MARIPOSA'S HAVEN. Aba, eh di kung ayaw nila mabasa sinusulat ko eh di wag nila buksan! Ganon kasimple.. Wala na naman siguro scientific explanation para maliwanagan sila sa kahulugan ng "KUNG AYAW MO, 'WAG MO"! Kung ano man ang laman ng blog ko, galing sa isip at puso ko yun. Kung masaktan ka dahil feeling mo ikaw ang topic sa araw na yun, eh malamang ikaw nga yun. Pero as far as i know, wala pa kong nilagay dun na nakasakit sa ibang tao. Kaya sana they mind their own business. Hindi yung, imomonitor nila ang buhay ko tapos masasaktan sila dahil feeling nila naaapektuhan sila sa blog ko? Wow, if only i knew my blog would move people, then I should've taken full time doing this. Making it the most readable blog in the whole world. Pero yun nga eh, blog-blogan na nga lang may "naaapektuhan pa daw...
"CONCLUSION: Kung pakiramdam mo ikaw ang tinutukoy ko, baka nga ikaw yun...
No comments:
Post a Comment