Bachelor in Journalism.Yan ang course na natapos ko nung college.Parang ang lupet ng dating. It always happens,pag may nagtanong saken "anong course mo?" lalo na sa chat (nung times na pumapasok pa ko sa mga public rooms) o kaya kahit sinong kakilala, pag sinabe ko na "Journalism po," they always go, "wow!!!galing naman..!!!" i dunno..i never failed to get such remark. di naman siguro sila sa aken mangha, kundi sa tunog ng course..pero ang kulet, lage sinasabe magtrabaho ka dapat sa dyaryo o tv..hmmm.di lang nila alam.kung anu-ano pinaggagawa namen nung college..as if serious mag-aral at talagang natuto magsulat. di lang nila alam..hahaha. wala naman ako regrets sa kinuha kong course.ever since elemantary associated na ako sa mga journalism journalism na yan. parang sikat ka.(kahit hinde) pero naging interes ko na talaga magsusulat ng kung "anek anek." sa likod ng notebook, sa notepad, sa sticky, sa kamay, sa resibo, sa logbook, sa diary.. Naalala ko nun nagkaron ako ng de-padlock na diary.my melody pa yata yun.ang pinakauna kong sinulat dun natatandaan ko pa.1st year yata ako nun, tungkol sa crush ko na ka-choir ko sa church ang sinulat ko.pano nakatabi ko sa upuan nung isang pagsamba namen sa kapilya..siguro hanggang ngayon nga di niya nalaman na crush ko siya eh. unless mabasa niya tong post na to at mag-assume ang taong yun na siya ang tinutukoy ko.hehe..hmmmm..ok enough of the crush thingy..naiba tuloy topic.> nasan na nga ba ang batch namen na nag-graduate ng malupet na course na Journalism? gustuhin mo man o hinde, masaket tanggapin na di lahat nagtrabaho sa field na tinapos namen.(kasama nako dun) kung gugustuhin pwede naman. editorial assistant na sana ako sa isa sa pinakamalaking publication sa pilipinas.ayos no?pero hinde pa din ayos.dahil para kong papatayin ang sarili ko na magtrabaho ng mahirap sa loob ng 10 hours (take note) at susweldo ng below minimum..abuso.kaya sino naman maaakit magtuloy sa ganong field kung ganon sila magpasweldo.galit na ko nito..=) > ok ang bottom line, kung dati ang kaharap ko lage sa school eh ang paggawa ng kung anu anong klase ng sulatin, eh ngayon nagttrabaho ako na araw araw alam niyo kung anong kaharap ko?---NUMERO.di sa bangko pero basta numero. alala ko nun isa sa dahilan bakit ako nag-journalism dahil walang math.yun pala wala din ako kawala, dahil eto ako ngayon.nakikipagsapalaran (lalim ba) sa america, para magtrabaho kaharap ang mga numero?? kaso ko pa lang yan. ano pa sa buong klase namen nung college. banas talaga. kung malaki lang pasweldo sa pagsusulat, pinasok ko na yan.pero eto, nakikita niyo ang blog na 'to? ayan dito niyo na lang din ilabas ang frustrations niyo..kung di man natupad ang pangarap niyo na maging manunulat (kung isa kayo sa kanila)...o sa amin??? =)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
gorgeous bitch ha?! hehehe..tnx for reading the post..natanggap mo ba email ko sayo ??
Post a Comment