Birthplace: Quezon City (ever since elementary ang pagkakalaam ko sa Manila ako pinanganak--hindi pala..yung tuwing tinatanong sa mga forms pag nagffill-out diba? College ko na lang nalaman na QC pala..at mula nun di na ko nagkamali sa pagsagot.
Paboritong gamit sa bahay: kama (tawag lage saken MASA-ndal tulog, pag nakikitang inaantok..)kahit san kase pde ako makatulog.minsan nako nakatulog sa banyo..pagkatapos ko umiyak ng matagal.pero di katulad ng cr na iniisip niyo..may wet and dry part ang cr namin. yun nga lang cr pa din yun..
Paboritong ulam: tocino (walang masarap na tocino kundi pampanga's best at lahat ng mga ibang tatak eh nasubukan ko na yata, pati yung mga home made na binebenta ng mga kaibigan ng nanay niyo natikman ko na yata...wala pa din tatalo sa pampanga's best)
Kinatatakutan: hindi multo, lindol (naalala ko nun may period sa buhay ko na gabi gabi hinihintay ko kung lilindol ulet at pag may umuga lang ng konti natatakot na ako at di makatulog)
paboritong music: alternative
paboritong kantahin este nakakanta sa cr: mga senti (lage ko nakakanta ng hindi sinasadya yung bakit ngayon ka lang..at yung isang wedding song sa church namin)
habit na di ko natanggal hanggang ngayon: nail biting, at magkutkot ng cuticles ng daliri ko. kahit dumudugo na sige pa din.hanggat may maaalis ako sa part na yun inaalis ko..highschool pa lang binalak ko na alisin yung ganong habit pero ayaw talaga maalis
natatagong kaweirdo-han at paranoia: dumating ang stage na takot na takot akong magkaron ng malalang sakit. sa tindi ng takot ko, may time na naisip ko baka may appendicitis ako..nagbasa ako ng medical book para alamin kung ano symptoms ng ganong saket at pano gagaling..ilang araw lumipas ibang sakit naman. kala ko magagaya ako sa schoolmate ko nung elementary na namatay dahil natalisod lang.sympre hindi on the spot..nagkaron siya ng fracture sa ankle, nabulok yung buto ng di niya nalaman, too late na ng ipadoktor..hanggang naging cancer..tuwing stretch ko kc paa ko lage may nagppop sa ankles..akala ko sakit na yun..naalala ko nilalagyan ko pa yun ng efficacent oil..at lage ako nagmmedyas..tuwing gabi.inakala ko din baka may sakit ako sa puso.pero totoo namang may sumasakit sa parteng yun ng dibdib ko. at inakala ko din na may tumor ako sa utak at sa sa excuse mo for the word (breast). ang weird talaga oo..sabe ko sa inyo hindi to nakakatawa. alam ko wala akong sakit maliban sa isa---paranoia. i was not medically examined na matindi ang paranoia ko pero i know i suffered from this..and it was not healthy to think all the time na may sakit ka and your doing stupid things about it, trying to cure it by yourself. gagaling ba cancer sa paglalagay ng efficacent oil? di lang ako naparanoid na may sakit ako kundi pati ang way ng pag-interpret ko sa actions ng tao. and i hate the feeling na akala ko pinagtatawanan ako at tinitingnan..i lost my self esteem dahil sa pagiging paranoid. i lost so much energy in life dahil dun. maybe that's the reason why most of the time, at first acquaintance aloof ako sa crowd..sa mga tao.mas gusto ko pa nag-iisa.nasa sulok. ayokong nakakakita ng: uod, bulate, at mga gumagapang na hayop..ayos lang ahas at sawa. mas maliliit mas ayoko.takot din ako sa: fly over..tuwing dadaan ang bus at pababa na..sumasakit ang tiyan ko..yung parang pakiramdam sa roller coaster. highschool ko na yata ng maovercome ang takot ko dun. pero sa buong buhay ko isang beses lang ako sumakay ng roller coaster, sa disneyland..yung hindi pa mataas. at kelan lng yun nangyari at di ko alam kung mauulit pa.. at ayoko din sumasakay sa elevator..lalo na sa mga ospital.tama na...
pag wala nako sa mundo..saka lang magkakaron ng saysay mga sinabe ko..
teka uwian na pala.
itutuloy...