Ano nga ba ang nasa dako paroon...? regal shocker pala to. Araw-araw kinukwento sa akin ng isang tahimik na babae na kilalang kilala ko yung mga karanasan niya tuwing uuwi siya at dadaan sa parking lot malapit sa bahay nila. May misteryo daw bumabalot sa bawat pagkakataon na madadaan siya sa lugar na yun.. Di niya maintindihan baket paulet ulet na nangyayari.. Hindi horror 'to. Masaya siyang umuuwi pero sa bawat gabi daw dun siya napapaisip baket tuwing dadaan siya dun eh may nangyayaring kakaiba..Di niya alam kung napaparanoid lang siya o nag-aakala sa mga pangyayari.. Pero sa kabila noon, masaya siya...Magulo? Eto ang dahilan kung bakit siya masaya sa misteryo ng parking lot.. > > Una daw siyang mapadpad sa lugar na yun, may nakita siyang tao. Wala pa daw siyang kilala noon sa lugar na yun.. Di niya napigilan mapansin ang taong yun..Lalaki, kayumanggi, tahimik, pati sa mga kilos niya ay may misteryo...Di niya na pinansin sumunod ng mga pagkakataon.. Dumating ang araw, nakita niya ulet..Tuwing makikita niya, masaya siya...Gusto niyang makilala ang taong yun pero walang pagkakataon...Sa bawat pagkakataon naman daw na makikita niya ang taong yun, wala din nmng paraan para magkakilala sila..Pero dito nagsimula ang misteryo. tuwing uuwi daw siya makikita niya ang taong yun na nakasakay sa loob ng kotse. Nakatigil. Alam niyang madadaanan niya ang kotse ng taong yun pero pipiliin niyang di lingunin ang taong nasa loob ng kotse..Lalagpas siya sa parking lot.. At habang naglalakad siya, doon pa lang aandar ang kotse. At yun ang pagkakataong tatanawin niya habang papalayo ang sasakyan ng taong yun. Paulit ulit daw na nangyayari...Pero paulet ulet din ang pagkakataong di niya titingnan kung sino ang taong nasa loob ng sasakyan kahit na may kutob siya na yun din ang taong yun. Baket tuwing uuwi siya, maraming pagkakataon na ganon ang nangyayari..Di niya din maipaliwanag.. Pero masaya siya. sa misteryong nangyayari. Kung sana tama lahat ng naiisip niya--kung sana oo lahat ang sagot sa tanong niya--siya ba ang hinihintay ng taong yun tuwing uuwi siya, siya ba ang tinitingnan, siya ba ang sinusulyapan tuwing magkikita sila? Magiging masaya daw siya kung oo lahat ang sagot sa mga yun. Hanggang ngayon di niya alam ang sagot...Lilipas ang mga araw, hinihintay niya ang pagdaan niya sa parking lot para abangan kung naroon pa din ang misteryo..Wala siyang magawa para makilala ang taong yun...Isa ang kinatatakutan niya sa pagkakataong mapadaan uli siya sa parking lot--ang makita ang taong yun at ang girlfriend niya na magkasama...(ouch!)
> > wakas...
No comments:
Post a Comment