Tuesday, March 01, 2005

PLANETANG DRAMACHINE

Pre, gusto mo pa din bang pumunta sa planetang gustong gusto naten?.. Na
tayong dalawa lang ang nagkakaintindihan? Dadalhin mo ba gitara mo? O
magkakantahan na lang tayo buong araw buong magdamag hanggang sa mamuti
na buhok naten? Noon gusto kong gumawa ng sarili nating planeta..Hindi
katulad ng ibang planeta..Kakaiba. Maingay, masaya..madaming tugtugan.
Lage tayong nasa isang sulok noon nagsusulat, nagkukwentuhan,
nagkakantahan, nagmamamahalan..Humihinga ng maluwag at walang istorbo. Gusto ko
noon sa planetang 'to kasama ka. Malabo na yata mga plano naten.
Napuwing ako sa maliliit na batong pumasok sa mata ko. Di tuloy kita makita.
Nasan ka na ba? Pre, sinong kasama mo? Akala ko nandito ka lang sa tabi
ko para hipan mo tong masakit sa mata ko. Ayaw matanggal. Iba na pala
katabi ko. Hanggang sa pagmulat ko. Wala ka na pala. Pano na yung plano
nateng pumunta sa planetang napanaginipan naten?...Nakikita pa din kita
pero sinusundan a lang kita ng tingin..Ikaw, siya..Matagal na panahon
yun. Diyan ako sa tabi mo lang dati. Pre, bakit mo siya binibitawan? Di
naman ako sumusunod.. Sinusundan ko kayo ng tanaw..Mawawala din kayo
pagkalipas. Sino ng kasabay mo pag binitawan mo yung katabi mo? Pag
lilingon ka at lalakad pabalik, baka makita mo pa ko..Hahahawakan mo ba
kamay ko at di na uli bibitiwan? Sana..

No comments: