Monday, May 22, 2006

BISKOTSO: panis nga ba ito?

Oisa na ko sa mga batang nakaranas ng mga di malilimutang karanasan sa kanya kanya nateng street. marami ding kasinungalingan ang pinamulat sa aten ng mga nakakatanda sa atin. kung pure pinoy ka at kapitbahay kita noon sa amelia st sampaloc manila, maaring isa ka sa mga nadenggoy nina "TANGKAD, BOLENGGAY, UNGGOY, UDOY, KUYA OMET, KUYA KIRAM, AT NANG IBA PANG MGA TAMBAY SA SA KALSADA--ILAN LAMANG SILA SA MGA MAY MALULUPET AT SIKAT NA PANGALAN ZONE 44. napakarami kong natutunan sa paglaki ko sa kalsadang yun. dahil sandamakmak ang mga sari sari store dun, madami din ang hot spots o favorite spotsng mga tambay at ang bawat pagdaan mo sa bawat sulok ng kalsada ay sandamakmak din ang matutunan mo sa kanila... hindi ko alam kung dapat ko silang resbakan dahil ang dami kong napulot sa kanila na puros pawang mga sariling opinyon lamang pero ko din makalimutan ang maraming bagay na natutunan ko (kahit mali) at masasayang naranasan ko doon gaya na lamang ng mga sumusunod:

biskotso: sabe nila ang biskotso daw ay gawa sa panis na mga tinapay o mga nabulok na pira pirasong tinapay na nareject sa mga bakery. dahil sa mali ang pagkakahulma, pinatigas na lamang nila ito ng tuluyan at pinagulong sa asukal matapos lagyan ng mantikilya o ang mas modern na tawag na "margarine"

platic balloon: nakakacancer daw ito..lalo na pag pilit mo pa itong pinapalobo matapos gamitan ang "maliit na straw na panghipan dito". di ka pa nakuntento sa laki ng plastic balloon kaya hihigop ka pa sa kung saan saang bahagi nito at papalobohin pa hanggang sa sobrang laki na nito at ang mga kalaro mong namangha ay makikihipan din at maya maya pa ay sunod sunod ng magsusulputan ang mga butas sa kung saan saan at ang lahat ng hirap mo sa pagpapalobo nito ay nawalan na lamang ng saysay..

potpot: di ko alam kung sa kabilang street, sa may verdad o sa m. dela fuente ay iisa ang tawag namen sa magkakariton ng bote na may dala ding isang malaking sako ng dilaw ng mga snack curls na kumbaga sa jack and jill ay "cheese curls" na yun nga lamang ang curls na iyon ay hindi talaga cheese curls dahil maalat at mabetsin lamang ito. hanggang sa kalaunan ay potpot na din ang tawag namen sa mga yellow curls na iyon. pati ang kariton in general ay potpot na din ang tawag namen. at dahil sa sobrang sikat sa street namen ang kariton na iyon na pwede mong pagpalitan mga bote ng UFC ketchup kapalit ng isang balot na "potpot" (cheese curls na maalat) limas lage ang mga basyong bote sa bahay namen. kung pwede nga lang tanggalin ko ang laman ng mga bote sa shelf namen ay ginawa ko na dahil sobrang naadik ako sa maalat na curls na iyon atu tuwing maririnig ko na ang "potpot" ng kariton ay halos madapa ako sa paglabas ng bahay para maipagpalit ko ang isang boteng UFC para sa isang supot ng "potpot". ako lage ang una sa kanila. masaya na akong kumakain ng "potpot" pero ang mga kaibigan ko ay naghahanap pa lang mga mga bote na ipapalit nila. dahil dun tinawag ako ng isang bading na kapitbahay na MS. POTPOT.

buti na lang at hindi sinabe ni BOLENGGAY na nakakacancer din ang POTPOT.

TAHO: tuwing bibili kame ng taho, mapapansin namin na may tubig lage ang ibabaw ng mismong taho (sa kabilang side ng aluminum na container ang sago at ang arnibal). may nakapagbanggit samen na ang tubig na pumapaibabaw ay ang pawis ng manong na magtataho. dahil daw napakainit ng sikat ng araw ay doon lumalagpak ang pawis niya habang masayang sumasalok ng taho at arnibal. nakakadiri ngang isipin. pero bili pa din kame ng bili. naniwala ako noon pero ang sabe ko naman. ayos lang. nakikita ko naman ang manong na sinasalok nya ang mga tubig na yun at tinatapon sa lupa bago nya sandukin ang taho. safe at sanitary na din.

WAG DAW KAININ ANG DULO NG APA NG ICE CREAM: di mawawala ang sorbetero sa mga eksena noon sa amelia st. totoong masarap ang cheese at chocolate flavor sorbetes sa apang matamis. pero di talaga pinalampas ang pagkakataon na ituro sa aming mga bata na huwag kainin ang dulo ng mga apa ng ice cream eto ang logic: ang sorbetero naglalako maghapon sa daan--naiihi din sila minsan--sa kalsada sila aabutan ng pagkaihi--sa kalsada sila iihi-- mababasa ang pantalon nila kung hindi tamang ang "handling"--matapos nilang mag jinggle--may bibili ng ice cream---kame yun--at hahawakan niya sa dulo ang apa with his bare hands. urgghhhhhh.... eto lamang ang pinaniwalaan ko hanggang sa lumaki ako...

marami pang iba sa susunod.

Sunday, May 21, 2006

masaklap maging pangalawa...

alam ko ang unang papasok sa isip niyo--kerida, kabit, kalaguyo?? hinde mga kaibigan... masakit maging ganon ang role mo sa isang taong mahal mo pero hindi iyon ang tinutukoy ko. may mas masakit pa dun. hindi ko problema ang taong mamahalin dahil marami ako nun--di lang nila alam. pero balik sa topic. oo masakit. kani kanina lang ay natuklasan ko ang isang bagay na tumalo sa lahat ng talentong tinatago ko at ibinahagi sa paggawa ng makabuluhang blog na to--ang mariposa's haven. (just to refresh you of the blog's name).

sa aking walang humpay na pagka adik sa internet at bunga na din na pakikialam ko sa mga profile ng mga friendster ay natuklasan ko ang ultraelectromagnetic blog. oo mga kaibigan--ultraelectromagnetic blog. ang sa isang sulyap pa lamang dito ay itinuring ko ng isang magiting na katunggali.. malaman ang mga sinasabe niya, at ang kanyang mga karanasan. hindi ko napigilang mapansin ito. may lalim mga kaibigan.. at sa aking patuloy na pagkilatis-- ako ay unti unti ngumingiti, at maya maya pa ay tumatawa.. mahusay ang kanyang mga tinuran. at maya maya pa'y di ko na napigilan--naluha ako sa kakatawa.. ang " my immortal enemy" ay totoong tumalo sa inakala kong mahusay na mariposa's haven at ang mga laman nito. pero mali ako. lalo akong humanga ng mabasa ko ang "ribbon cutting". sampung minuto akong walang humpay na tumatawa at lumuluha sa saya. napakahusay ng blog entry na ito. at sa wakas, sa loob ng dalawang taon--natanggap ko na din ang aking pagkatalo--saludo sa ultraelectromagneticblog.