Sunday, June 11, 2006

1O BAGAY NA AYOKO

Kung iipunin ko sa isang listahan ang mga bagay na ayaw na ayaw kong nangyayari sa regular na araw ko..siguro eh kulang ang isang blues clues notepad para dun. may mga bagay na nakakapagpa badtrip sa atin na minsan napakababaw pero nakakabadtrip naman talaga.. mas nakakainis pa sa mga sitwasyon na: pinagalitan ka ng bisor mo dahil late ka na naman, o sa walang ulam sa bahay pagdating mo, o dinekwatan ka ng 20 pesos ng kapatid mo habang natutulog ka. para sa akin oo nakakasira din ng araw yun pero may mas mababaw pang mga dahilan na talagang nakakasira agad ng mood ko. siguro nga moody lang talaga ako at kapos sa pasensya. kapag nangyayari ba ang mga sumusunod na bagay sa inyo eh sira na ang mood niyo? siguro ang iba.. pero ewan ko kung bakit walang pang sampung segundo eh bad trip na ako kapag:

1. sinipag ako magligpit ng pinggan at pagkabukas ko pa lang ng gripo eh bigla kong mararamdaman ang tawag ng kalikasan..(call #2) baket tuwing magliligpit ako eh saka naman ako maiihi!!! samakatuwid, uminit na ang ulo ko at hindi na nagligpit ng pinggan.

2. kapag nagmamadali umalis ng bahay papuntang opisina.. at sabay dala dala ko ang make up kit ko..pero naiwan ko naman ang pressed powder na may salamin. umaapoy yata ang tenga ko (di ko alam kung napapansin ng tatay ko habang pinagmamaneho nya ako) kapag hinalungkat ko na ang bag ko at wala dun ang pressed powder. pipilitin ko na lng mag ayos ng aking mukha sa harap ng maliit na salamin sa ulunan ng dashboard. badtrip. nakakahilo mag make up.

3. kagatin ng ITIM na langgam. alam ko kase pulang langgam lang anng masakit mangagat. pero dito sa tate, malusog ang mga itim na langgam. ang weirdo pero itim talaga ang mga langgam sa bahay at masakit sila mangagat.

4. maghanap ng susi ng kotse at bahay sa bag. kahit pa may malaking key chain na ni peter griffin ng family guy eh aabutin pa din ako ng siyam siyam sa paghalungkat nito.

5. tawagan sa telepono ng bisor para ulit ulitin na maglog in sa phone queue. daig pa qa sa call center kung makapag monitor.

6. makagat ang dila ko habang kumakain ng masarap na pagkain. nakakawalang gana..

7. lunes.

8. multo.

9. mga madahon at maberdeng gulay.

10. ang ikaw-8.

No comments: