Nakakatuwa kapag sobrang saya mo na dahil meron kang inspirasyon sa buhay. sabihin na natin kapag meron kang boyfriend o girlfriend. nandyan lagi ang kilig, ang ngiti na biglaan mo na lang nahahalata sa sarili o ng ibang tao. minsan mas masarap pa mag-imagine na kasama mo ang taong napakahalaga sayo kesa kumain kahit na paborito mo ang ulam na niluto ng nanay mo. lagi ka lang masaya. ganon. lagi mo gusto pagtugmain ang schedules para lang magkasama kayo kahit na sobrang hectic sa pag-aaral, sa work, sa church. sige pa rin sa pagtawag sa cell phone at pagtext kahit inuutusan na ng nanay o tatay o kahit pa nga habang nagddrive talagang walang makakapigil sa atensyon na gusto mong ibigay. in love eh.
pag dumadating na ang araw na nag-aaway na kayo dahil sa kung anu anong maliliit na dahilan, lalo lang kayo tumitibay pagkatapos. tama? kasi lalo mo na nakikilala yung taong mahal mo. kung gaano ba ang tolerance niya sa selos, kung gaano katagal bago siya mapikon sa pang aasar mo, o kung gaano sya katagal nakakapaghintay sa di mo pagtawag o pagtext bago siya una magalit sayo at magtext bakit di ka nagpaparamdam. minsan parang aso't pusa, di magkasundo sa kahit ano dahil parehong pinipilit ang gusto na ang bottom line ang gusto niyo lang talaga magkita lage o namimiss niyo lang ang isa't isa. bottom line--kahit nag aaway kayo, mas matindi pa din pagmamahal niyo sa isa't isa. kasi nga in love...
pero sa kagaya kong di na teenager may mas mahalagang ibig sabihin saken ang pagbboyfriend...haha... ibig sabihin nito ay seryoso na ko at gusto ko ng mag-asawa. (nonsense)
ahhh.. don't pay attention to this crap.hehe
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment